Sa 33-pahinang desisyon ni Judge Victorino Alvaro ng RTC Branch 120, ang mga hinatulan ng kamatayan ay sina Leman Ang, 37, alyas Leman dela Cruz at Zhangwei Lu, 31, pawang taga-Mainland China at naninirahan sa Room 301-A. M.H. del Pilar, Caloocan City.
Bukod sa nasabing hatol, pinagbabayad din ang mga akusado ng halagang P500, 000 bawat isa bilang danyos perwisyo sa nagawang kasalanan.
Base sa rekord ng korte, ang dalawa ay naaresto ng mga tauhan ng NBI sa kanilang tinitirhang bahay sa isinagawang buy-bust operation noong Agosto 2, 2001 kung saan nakuha sa pag-iingat ng mga ito ang mahigit isang kilo ng shabu.
Isang tauhan ng NBI ang nagpanggap na posuer-buyer at matapos iabot dito ang shabu ay agad na inaresto ang dalawang akusado. Sa korte, idinahilan ng mga akusado na na-set-up lamang sila subalit hindi ito pinaniwalaan ng korte. (Rose Tamayo)