PAF Sgt., misis dedo sa sagasa

Kapwa patay ang isang sarhento ng Philippine Air Force (PAF) at misis nito makaraang masagasaan habang nagdya-jogging kahapon ng umaga sa Pasay City.

Hindi na umabot ng buhay sa Villamor Hospital sina Sgt. Camarillo Federico at asawa nitong si Celina, ng Lirmens Village, Villamor Air Base ng nabanggit na lungsod.

Arestado naman ng Pasay City Traffic Enforcement Unit ang suspect na si Marlon Balitaan, 24, ng Phase 21, 05, 7th St.. Nahaharap din ito sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide.

Sa report ni SPO1 Victoriano Cabuco, nagdya-jogging ang mag-asawa dakong alas-5:30 ng umaga sa kahabaan ng Sales Road at Ghozar St. sa Villamor.

Hindi napansin ng suspect na driver ng isang Toyota Hill na may plakang XDX-543 ang mag-asawa hanggang sa masalpok niya ang mga ito at tumilapon. (Lordeth Bonilla)

Show comments