^

Metro

‘Hulidap’ at ‘Operation Bakal’ ng PNP pumapatay sa turismo

-
Kinastigo ng Department of Tourism (DOT) ang talamak na ‘hulidap operation’ ng mga scalawags na pulis at ang ‘Operation Bakal ng PNP na siya umanong pangunahing dahilan ng paglayo ng mga turista sa bansa.

Sinabi ni Philippine Tourism Authority (PTA) General Manager Robert Dean Barbers na malaki ang epekto ng masamang imahe ng pulisya sa bansa sa mata ng mga turista na siyang target umano na pagkakitaan ng mga scalawags na pulis.

Kabilang dito ang patuloy pa ring nagaganap na ‘hulidap operation’ ng mga tiwaling pulis. Inihalimbawa pa ni Barbers ang umano’y pagpigil ng mga patrol police sa mga turista na namamasyal sa isang tourist spot sa Metro Manila tulad ng Malate at hahanapan ng papeles.

Sa ganitong pagkakataon umano ay tinataniman ang mga turista ng ilegal na gamot o kaya ay lumilikha ng mga imbentong kaso kung saan hihingan ng malaking halaga para makalaya.

Tinuligsa rin nito ang isinasagawang ‘operation bakal’ o laban sa mga baril ng pulisya sa mga night spots kung saan nagiging masama ang epekto sa mga turista kapag napapanood sa telebisyon ang kanilang mga kababayan na kinakapkapan ng mga pulis na mistulang kriminal.

Ginawa ni Barbers ang panawagan kasabay ng pinangangambahan nilang pagbagsak ng industriya ng turismo dahil sa patuloy na masamang imahe ng bansa dulot ng kaguluhan sa pulitika, banta ng terorismo at hindi epektibong seguridad para sa mga turista. (Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF TOURISM

GENERAL MANAGER ROBERT DEAN BARBERS

GINAWA

INIHALIMBAWA

KABILANG

METRO MANILA

OPERATION BAKAL

PHILIPPINE TOURISM AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with