Kasabay nito, nilinaw ni Bhagwant Rahi Bansal, pangulo ng Khalsa Diwan Inc., ang grupong nanguna sa pagsasagawa ng hunger strike na hindi kasama ang Bureau of Immigration (BI) sa mga sinasabi nilang kasabwat ng Indian Embassy officials sa mga illegal na aktibidad sa loob ng Embahada gaya ng nagsilabasan sa mga pahayagan.
Sinabi nito na ang BI ang tangi nilang katuwang sa paglalantad at pagbibigay ng impormasyon ng mga illegal na gawain sa Embahada.
Sa katunayan, nagsagawa anila ng raid kamakailan ang PNP sa tulong ng BI laban sa isang grupo na may pangalang "Khalsa Diwan Filipino Indian Association, Inc." na pinamamahalaan ng kanilang opisyal na sina Amardeep Singh at Pritam Singh na hinihinalang kasabwat umano ng Indian Embassy officials sa anomalya. Nakakumpiska ang pulisya sa pagsalakay ng mga pekeng pasaporte, immigration visas, IDs at phornographic materials.
Tinukoy ng grupo si Mr. Babu Ram, first secretary ng Indian Embassy na kadalasang nagbibigay umano ng espesyal na pabor sa isang Indian national na pinangalanang "Teja" na may malakas na koneksyon sa Embahada upang maipasok ng direkta ang kanyang mga transaction habang ang iba ay matagal umano sa paghihintay ng kanilang dokumento. (Ellen Fernando)