^

Metro

Guro nang-molestiya ng pupil, arestado

-
Inaresto ng mga tauhan ng pulisya kahapon ng hapon ang isang guro sa pampublikong paaralan sa lungsod ng Caloocan dahil sa umano’y reklamong pang-aabuso sa isang 10-anyos niyang pupil sa nasabing lungsod.

Ang dinakip na kasalukuyang iniimbestigahan sa tanggapan ng Women’s Desk Office ng Caloocan City Police ay nakilalang si Tom Gayatao, Science teacher sa Bagong Barrio Elementary School.

Siya ay inaresto ng pinagsanib na tropa ng barangay at pulisya sa loob mismo ng paaralan habang nagtuturo matapos ireklamo ng biktimang itinago sa pangalang Marie, grade 5 pupil.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap umano ang pang-aabuso noong nakaraang Martes ng hapon sa mismong comfort room sa nasabing paaralan makaraang pasukin ang biktima ng suspect habang nagbabawas.

Sinasabing wala na umanong nagawa ang biktima nang paghahawakan ito sa maselang parte ng katawan ng suspect kung kaya naisakatuparan ang pang-aabuso.

Ayon pa sa ulat, dalawang araw na kinimkim ng biktima ang masamang naranasan sa kamay ng guro hanggang kamakalawa ng gabi ay nagpasya itong ipagtapat ang lahat sa kanyang mga magulang na agad namang nagsumbong sa mga awtoridad at ipinaaresto ang suspect.

Itinatanggi naman ng guro ang akusasyon sa kanya ng kanyang pupil.

Samantala, napag-alaman kay Senior Supt. Napoleon Cuaton, ng Station Intelligence and Detective Management Bureau na lumitaw sa medico legal ng biktima na intact ang kaselanan nito patunay na walang naganap na rape at posibleng mauwi lamang ang kaso sa acts of lasciviousness. (Ulat nina Ricky Tulipat At Rose Tamayo)

AYON

BAGONG BARRIO ELEMENTARY SCHOOL

CALOOCAN

CALOOCAN CITY POLICE

DESK OFFICE

NAPOLEON CUATON

RICKY TULIPAT AT ROSE TAMAYO

SENIOR SUPT

STATION INTELLIGENCE AND DETECTIVE MANAGEMENT BUREAU

TOM GAYATAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with