'Ballasta Gang' nabuwag" 1 patay, 6 pa arestado
July 29, 2005 | 12:00am
Patay ang isang miyembro ng Ballasta Gang na sangkot sa kidnap for ransom at robbery, habang anim na iba pa ang naaresto nang makipagbarilan sa mga tauhan ng Quezon City Police District- District Police Intelligence Unit (QCPD-DPIU) kahapon ng tanghali sa Quezon City.
Namatay noon din ang suspect na nakilalang si Lino Moslares Jr., dating security guard. Habang ang anim pa na nadakip ay sina Levi Debrilla, Dionisio Siso, Antolin Iringco Jr., Loreto Borato, Leonardo Salud at Lito Ballasta.
Nauna nang nadakip si Ballasta nang lumabas ito ng kanyang safehouse sa Commonwealth Avenue at pagkatapos ay itinuro nito ang pinagkukutaan ng kanyang mga kasamahan sa may Lagoon St., Feri Compound sa nabanggit na lungsod na sinalakay din ng mga awtoridad. Nang matiktikan ng mga suspect ang presensiya ng mga awtoridad sa lugar ay agad nilang sinalubong ng putopk ng baril ang mga ito.
Nabatid na ang Ballasta Gang ay sub-group ng Waray-Waray Gang na sangkot sa serye ng kidnapping sa ilang mga Tsinoy at panghoholdap sa SSS payroll, grocery at ilan pang bus holdup. Apat pang miyembro ng grupo ang pinaghahanap pa ng mga awtoridad. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended