Imbakan ng shabu, ni-raid
July 16, 2005 | 12:00am
Sinalakay ng mga tauhan ng Cubao Police Station ang isang condominium unit na pinaghihinalaang imbakan ng mga kemikal na ginagamit na sangkap sa paggawa ng shabu, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lugar sa Quezon City.
Dakong alas-11 ng gabi nang pasukin ng mga awtoridad ang Room 304 ng City Tower Condominium sa may Aurora Boulevard.
Lumilitaw na isang security guard sa nasabing condo ang nag-report sa kanila na may inilalabas umano ang may-ari ng unit na mga kahina-hinalang kemikal at inililipat sa isang close van sa labas ng gusali.
Agad naman itong pinabulaanan ng may-ari ng condo na si Raymound Tordesillas, 31, na nagsabing ang mga kemikal ay sangkap umano sa pampaputi.
Gayunman, tiwala ang pulisya na mga sangkap sa shabu ang nasamsam at front lamang ang sinasabing kemikal sa paggawa ng sabon na pampaputi. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended