Kinilala ang nasawing biktima na si Danilo Calamba, 36, pahinante at residente ng Amlac Subd., Lupang Pangako Brgy. Payatas, habang nakaligtas naman ang hipag nito na si Shirley Calamba at ang mag-pinsang Daniel, 3 at Carlo, 5 at dalawa pang kasambahay ng mga ito.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng hapon ng magsimulang bumagsak ang malakas na ulan at nagpatuloy hanggang noong gabi.
Nabatid na kasalukuyan umanong natutulog ang biktima sa tabi ng pader ng kanilang bahay nang bigla na lamang tumaas ang tubig at nagiba ang konkretong pader.
Tiyempo namang nabagsakan sa dibdib ang biktima at masuwerte namang nakaligtas ang ilang kasambahay nito.
Napag-alaman na nakatirik ang bahay ng biktima sa mababang lugar kayat nang umapaw ang katabi nitong ilog ay naging mabilis ang pagtaas ng tubig na siyang naging dahilan ng pagguho ng pader. (Ulat ni Doris Franche)