Nasa kritikal na kondisyon sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang nabaril na mister na si Jonathan Espiritu, 32, ng #391 D Pavia St., Tondo.
Kusang-loob namang sumuko sa kanyang mga kabaro si PO1 Mirasol Espiritu, nakatalaga sa WPD-Station 4 (Sampaloc) matapos ang pamamaril.
Sa ulat ng WPD-Womens and Childrens Desk, naganap ang pamamaril dakong alas-5 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-asawang Espiritu sa gitna ng mainitan nilang pagtatalo.
Noon pang nakaraang Hunyo 19 humihingi ng tulong si Mirasol sa kanyang mga kapwa pulis dahil sa ginagawang pananakit umano sa kanya ng mister ngunit sinabihan muna siya na ayusin muna ang problema sa mapayapang paraan.
Ayon kay Mirasol, muli umano siyang sinaktan ng mister nang pagtalunan nila ang umanoy pagiging palikero nito. Hindi na umano siya nakapagpigil nang tangkaing pasabugin ang ari ng mister na nagawang makailag kaya naman sa pige ito tinamaan ng bala.
Nakadetine ngayon sa WPD-Headquarters si Mirasol na nahaharap sa kasong frustrated homicide. (Ulat ni Danilo Garcia)