^

Metro

Ari ng mister inasinta ng parak na misis

-
Nakaiwas ang isang palikerong mister sa pagkapurnada ng kanyang pagkalalaki nang maiiwas niya ang ari sa pamamaril ng kanyang misis na pulis ngunit tinamaan pa rin ito sa kanyang pigi, kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Nasa kritikal na kondisyon sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang nabaril na mister na si Jonathan Espiritu, 32, ng #391 D Pavia St., Tondo.

Kusang-loob namang sumuko sa kanyang mga kabaro si PO1 Mirasol Espiritu, nakatalaga sa WPD-Station 4 (Sampaloc) matapos ang pamamaril.

Sa ulat ng WPD-Women’s and Children’s Desk, naganap ang pamamaril dakong alas-5 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-asawang Espiritu sa gitna ng mainitan nilang pagtatalo.

Noon pang nakaraang Hunyo 19 humihingi ng tulong si Mirasol sa kanyang mga kapwa pulis dahil sa ginagawang pananakit umano sa kanya ng mister ngunit sinabihan muna siya na ayusin muna ang problema sa mapayapang paraan.

Ayon kay Mirasol, muli umano siyang sinaktan ng mister nang pagtalunan nila ang umano’y pagiging palikero nito. Hindi na umano siya nakapagpigil nang tangkaing pasabugin ang ari ng mister na nagawang makailag kaya naman sa pige ito tinamaan ng bala.

Nakadetine ngayon sa WPD-Headquarters si Mirasol na nahaharap sa kasong frustrated homicide. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

D PAVIA ST.

DANILO GARCIA

ESPIRITU

HUNYO

JONATHAN ESPIRITU

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KUSANG

MIRASOL

MIRASOL ESPIRITU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with