Wiretapped conversations umano ni GMA, pinipirata
June 14, 2005 | 12:00am
Posibleng nagkalat na ang mga pirated compact dics na naglalaman ng umanoy wiretapped conversations ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Comelec Commissioner Virgilio Garcilliano sa mga bangketa sa Quiapo, Recto at Divisoria sa lungsod ng Maynila.
Ito ang nabatid matapos na ipag-utos ni WPD director Pedro Bulaong ang paghahalughog sa mga bangketa sa may Carriedo at Hidalgo St. sa Quiapo, Evangelista St. at sa Recto Avenue.
Sinabi naman ni Senior Inspector Rodolfo Jamoralin, hepe ng Plaza Miranda PCP ng WPD Station 3 na inatasan niya ang kanyang mga tauhan na kumpiskahin ang mga pirated CD ng kontrobersiyal na tape.
Nagbabala din ito na bukod sa kasong pamimirata, sasampahan din ng kasong paglabag sa anti-wire tapping law ang mga mahuhulihan at nagbebenta nito.
Gayunman, nilinaw ni Jamoralin na wala pa silang nakikitang kopya ng tape sa mga bangketa na kanilang ininspeksyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended