54-anyos kinatay ng bayaw
June 7, 2005 | 12:00am
Isang 54-anyos na lalaki ang pinatay sa saksak ng kanyang bayaw na dating sundalo matapos niya umanong pagsabihan ang huli na pabigat sa kanilang pamilya, kamakalawa sa Las Piñas City.
Nakilala ang nasawi na si Roque Estaras, ng #6 Apple St., Phase 2, Brgy. CAA ng nabanggit na lungsod. Patay na ito ng idating sa Perpetual Medical Center sanhi ng maraming saksak na tinamo sa katawan.
Nakapiit naman ang suspect na nakilalang si Artemio Villedo, 45, ng Ilagan Isabela at nagbabakasyon lamang sa bahay ng biktima. Kapatid ng suspect ang misis ng nasawi.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon sa bahay ng biktima sa naturang lugar.
Napag-alaman na dating miyembro ng Philippine Constabulary ang suspect at ang trabaho na ngayon ay construction worker. Nakikituloy ito sa bahay ng biktima.
Nag-ugat ang insidente matapos ang pagtatalo ng magbayaw lalo na nang magbitiw ng salita ang nasawi na pabigat lamang umano sa kanilang pamilya ang suspect.
Labis na dinamdam ng suspect ang sinabi ng biktima hanggang sa makahagilap ito ng patalim at saka pinagsasaksak ang bayaw.
Matapos ang krimen ay nagtangka pang tumakas ang suspect subalit nahuli rin ito ng mga awtoridad habang ang biktima naman ay hindi na umabot pang buhay sa pagamutan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest