Ang hamon ni BF ay upang ipakita sa publiko ang sensiridad at inisyatibo sa kapakanan ng apektadong mamamayan kaugnay sa mga ipinalabas na desisyon ng Supreme Court at Makati Regional Trial Court (RTC) kamakailan.
Nabatid na nagpupulong ang 17-alkalde ng Metro Manila upang mag-evaluate o suriin ang mga problema sa kanilang hurisdiksyon at kung paano magtutulungan ang mga lokal na pamahalaan sa pagresolba ng problema partikular na kung apektado ang publiko.
Naalarma si Fernando nang tirahin ang ahensya ng ilang Metro Mayors na tutol sa ipinapatupad nitong mga traffic schemes matapos ideklarang ilegal ito ng Highest Tribunal at ng Makati RTC.
Ibinunyag pa ni Fernando na madalas lumiban sa pagdalo sa MMC ang ilang alkalde at hindi rin anya sumusunod ang ilan sa mga ito sa mga napagkasunduan sa isinagawang deliberasyon sa council meeting.
Sinabi pa ni Fernando na ngayon ang panahon para obligahin at pukpukin ang mga alkalde para magtrabaho at makamit ang pinakamaayos na paraan ng pagmamantina ng trapiko at ilang mabibigat na problema sa transportasyon sa kabila ng kinakaharap na SC at RTC rulings. (Ulat ni Lordeth Bonilla)