Ito ang inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Deputy Director General Avelino Razon kung saan patuloy pa rin ang pagtugis ng binuo niyang Task Force Lanot sa mga suspect sa Davao City.
Patuloy din naman ang koordinasyon ng pulisya sa National Bureau of Investigation (NBI) na nagsasagawa rin ng sarili nilang imbestigasyon at manhunt sa mga suspect sa pagkamatay ni Lanot.
Kasabay nito, sinabi ni Razon na business rivalry ang panibagong anggulong kanilang tinitingnan hinggil sa pamamaslang. Gayunman, hindi pa rin iniaalis ng mga awtoridad ang anggulong pulitika sa insidente, gayundin ang iba pang bagay na posibleng maging rason sa pananambang kay Lanot.
Itinanggi rin ni Razon na may hawak siyang suspect o maging ang NBI sa insidente.
Si Lanot ay matatandaang pinagbabaril ng hindi nakilalang suspect sa Jade Palace restaurant sa Pasig City nitong nakalipas na Abril 13. (Ulat ni Danilo Garcia)