Sindikato ng mga pekeng credit card, nabuwag
May 7, 2005 | 12:00am
Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang isang Filipino-Chinese trader na "utak" sa isang pinakamalaking sindikato ng pamemeke ng local at international credit cards, kahapon ng umaga sa Parañaque City.
Kinilala ni Parañaque City Chief of Police, Supt. Ronaldo Estilles ang suspect na si Albert Leung, alyas Simon, 42, may-asawa, nakatira sa Benitez St., BF Homes, ng nabanggit na lungsod.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga nang maaresto ang suspect sa #115 ng nabanggit na lugar base sa isang search warrant na inisyu ni Executive Judge Jansen Rodriguez, Branch 78, Parañaque City Metropolitan Trial Court.
Sa rekord ng pulisya, nabatid na ang suspect ang umanoy utak ng isang malaking sindikato na namemeke ng mga credit card sa buong bansa.
Ang pagkakadakip kay Leung ng mga operatiba ng Intelligence Unit, Parañaque City Police ay bunsod na rin sa naunang pagkakaaresto sa mga tauhan nito na sina Mary Pilar; Rodel Valdez at Tony Perez noong Linggo sa isang entrapment operation na nagpa-gas sa Uni-Oil gasoline station at ang ginamit ng mga ito ay pawang mga pekeng credit card.
Nakumpiska kay Leung ang 87 pirasong assorted pekeng credit cards, 10 kahong VCDs/DVDs at machine/equipment sa paggawa ng pekeng credit card. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended