2 pulis at 2 Muslim timbog sa pangongotong

Dalawang pulis at dalawang Muslim ang kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ng WPD nang mahuli sa aktong nangongotong sa isang negosyante sa isang entrapment operation sa Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina PO2 Dino Magallanes ng Computer Services sa Camp Crame, PO2 Almanerto Dumagin ng CPD-Station 6, Nabili Sultan, 33, ng Recto Avenue, Sta. Cruz, Maynila at Akmad Untal, 29, ng Legarda St. Sampaloc.

Nabatid na isang negosyante ang nagreklamo sa pulisya bunga ng madalas umanong pangongotong ng mga suspect dito.

Madalas din umanong tinatakot ng mga suspect ang negosyante na ipahuhuli dahil sa ilegal na negosyo nito.

Subalit noong Sabado ng gabi nang isagawa ang entrapment operation kung saan huli sa akto ang mga suspect na tumatanggap ng pera mula sa biktima. (Danilo Garcia)

Show comments