Ayon kay State Prosecutor Emmanuel Velasco, isinailalim na ng DoJ sa Witness Protection Program si Gappal Banah Sali, alyas Boy Negro upang gamiting witness laban sa mga kasamahan nitong ASG.
Sinabi ni Velasco na si Boy Negro ang maituturing na least guilty sa kasong murder, frustrated murder at frustrated multiple murder kung kayat ito ay tinanggap sa WPP.
Gayunman sa darating na Abril 18 ay magsasagawa ng pagdinig si Makati Regional Trial Court Branch 60 Judge Marissa Guillen upang idetermina kung maaaring palabasin ng kulungan si Boy Negro.
Ito ay matapos na hilingin ng DoJ na palabasin si Boy Negro sa kulungan at tuluyan ng maisailalim sa pangangalaga ng WPP.
Si Boy Negro ay una nang umamin na nagtago at gumawa ng bombang ginamit sa pagpapasabog sa RRCG bus noong Pebrero 14, 2005 at pagkatapos ay nagtago sa Bicol region. (Ulat ni Grace Amargo dela Cruz)