Sa kautusang ipinalabas ng pamahalaang lungsod ng Pasig, kinakailangan na magkahiwalay ang basurang nabubulok at hindi nabubulok sa tuwing oras ng hakot ng basura.
Ayon kay Pasig Livelihood Foundation Inc. chairman Maribel Eusebio, bukod sa nadidisiplina ang mga taga Pasig, maaari pang mapagkakitaan ang mga hindi nabubulok na basura.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang 500 kababaihang miyembro ang PLFI na matiyagang nagsasanay sa paggawa ng ibat ibang uri ng proyektong galing sa mga hindi nabubulok na basura at kayang kumita ng P1 milyon dahil naipapadala pa ang mga produkto sa ibang bansa.
Idinagdag pa ni Eusebio na balak din niyang palawigin ang nasabing proyekto sa may 30 barangay na nasasakupan ng lungsod upang mabigyan ng hanapbuhay ang mga ginang na nasa kani-kanilang mga bahay. (Edwin Balasa)