Ito ang ibinulgar ng militar kahapon matapos na iharap sa mediamen ang nasakoteng bomber na nakilalang si Rahib Buday, alyas Omar/ Randy.
Kasabay nito, nilinaw ni AFP-CRS chief Brig. Gen. Jose Angel Honrado na hindi makakaapekto sa isinusulong na peace talks ng gobyerno ang pagkakasakote kay Buday dahilan sa hindi naman saklaw ng liderato ng MILF ang pagkakasangkot nito sa pambobomba sa sinehan na ikinasawi ng isa katao, habang marami pa ang nasugatan.
Una rito, si Buday ay napaulat na kabilang sa ASG bomb expert na nagpasabog sa SM Megamall habang patuloy namang bineberepika ang posibilidad na may kinalaman din ito sa pambobomba sa isang bus sa Makati City noong Valentines Day.
Si Buday ay nasakote ng mga operatiba ng ISAFP at Armys 40th Infantry Battalion sa Brgy. Layug, Pagalungan, Magindanao noong Marso 4.
Sinabi pa nito na kaya nila isinagawa ang pambobomba ay upang ipakita na hindi kontrolado ng gobyerno ang sitwasyon ng peace and order sa bansa at upang itaboy ang mga dayuhang investors. (Ulat ni Joy Cantos)