Kahapon ay pormal na nagtapos ng kanilang re-training ang 36 na pulis ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) makaraang ipadala sa Subic sanhi ng pagkakasangkot sa mga asunto tulad ng extortion, illegal gambling, droga at iba pang kasong administratibo.
Ayon kay NCRPO Director Avelino Razon Jr. naniniwala siya na nadala na ang mga nasabing pulis kung saan ang 13 ay galing sa Central Police District; 10 sa Southern Police District; anim sa Western Police District; lima sa Eastern at dalawa sa Northern Police District.
Ipinaliwanag ni Razon na ang pagpapadala ng TABA cops sa re-training ay upang manumbalik ang tiwala ng publiko sa kapulisan.
Hindi din naman sila magsasawang magpadala pa ng mga TABA cops sa Subic hanggat hindi nalilinis ang hanay ng pulisya. (Doris Franche)