Ayon kay PCDO-ACTO President Efren de Luna, hanggang ngayon ay wala pang nagaganap na pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan at ng kanilang grupo sa nakaraang linggo kaugnay sa kanilang hiling na pisong diskuwentro sa diesel.
Idinagdag pa ni De Luna na isinantabi umano ng kanilang grupo ang petisyon sa pagtataas ng pamasahe dahilan sa mabibigyan umano sila ng diskuwentro sa diesel pero tila ito ay drawing lamang.
Kung hindi umano sila ipapatawag para sa pag-uusap tungkol dito, mapipilitan na lang silang mag-file ng petisyon para maitaas ang pasahe.
Matatandaang nagkasundo ang PCDO-ACTO at FEDJODAP sa pangunguna naman ni Zeny Maranan na magtaas ng piso sa pamasahe kapag ang presyo ng diesel ay umabot na sa P21 kada litro. (Ulat ni Edwin Balasa)