Ayon kay Alit, kailangan niyang ipatupad ang nasabing regulasyon upang mas maging epektibo ang pagbabantay ng mga jailguards at maiwasan na rin ang anumang uri ng iligal na aktibidad.
Aniya, tanging ang mga jailwarden lamang ang kanyang binibigyan ng karapatan na gumamit ng cellphone sa loob ng jail upang madaling makausap ng kanilang superior.
Aminado naman sina QC Jailwarden Supt. James Labordo at Manila City Jailwarden Supt. Gilbert Marpuri na kadalasang nagagamit ang cellphones sa ilang illegal activities na kanila ngayong sinusugpo.
Bagamat nahihirapan ang kani-kanilang mga jail personnel sa bagong patakaran, kailangang ipatupad ito upang mabigyan ng seguridad ang kanilang mga inmates. Tanging telepono at two-way radio ang kanilang ginagamit sa communication.
Nilinaw din ni Alit na ang mga escort ng mga inmate sa korte ay maaari lamang magbukas ng kanilang cellphone kung patungo na sa hearing at dapat ding patayin kung babalik na sa jail.
Matatandaan na ilang illegal activities na sa paggamit ng cellphone ang nahuli ng BJMP kung saan karamihan dito ay kinasangkutan ng mga jailguards at preso na agad na inaksiyunan ng kawanihan. (Ulat ni Doris Franche)