Supervisor nadaganan ng tanker

Nasawi ang isang 29-anyos na transplant supervisor, makaraang maatrasan at madaganan ng tanker na kinalas mula sa isang trak, kamakalawa sa Taguig.

Patay na nang idating sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Randy Flores, binata, nakatira sa Laguna kung saan nawasak ang mukha at lumabas ang utak nito.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon sa pinapasukan ng biktima sa Aguila Gas Corporation Compound na matatagpuan sa Veterans Complex, Brgy. Western Bicutan, Taguig.

Nabatid na kasalukuyang nakaparada ang isang trailer truck na nakakabit ang isang napakalaking tanker na kasalukuyang kinakalas ng driver na si Danilo Jomoc nang biglang umatras ang nasabing tanker patungo sa kinatatayuan ng biktima at nadaganan ito na naging sanhi ng kanyang maagang kamatayan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments