Ang direktiba ni Corpus ay alinsunod na rin sa kautusan ni DILG Secretary Angelo Reyes na tiyaking ligtas ang mga eskuwelahan at shopping malls upang maiwasan ang sunog na tulad na nangyari sa bansang India kung saan daan-daang shopper ang namatay matapos na ma-trap.
Ipinaliwanag ni Corpus na binigyan na niya ng direktiba si Bureau of Fire Protection Officer-in-Charge Chief Supt. Rogelio Asignado na agad na ipatupad ang ocular inspection sa mga paaralan at iba pang establisimyento upang maiwasan ang karahasan dulot ng sunog.
Kailangan umanoy pulungin ng mga city at municipal fire marshal sa bansa ang mga may-ari ng gusali at establisimyento upang agad na maisaayos ang anumang sira o depekto ng kanilang mga electrical wiring.
Bukod dito, nanawagan din si Corpus sa mga negosyante na sundin ang sinasaad na safety rules ng BFP upang maiwasan ang anumang sakuna. (Ulat ni Doris Franche)