Ito ang naging babala ni Manila Mayor Lito Atienza Jr. sa mga opisyal ng Manila Engineering Department at Building Permit Office (BPO) kaugnay pa rin sa pagguho ng walong palapag na gusali sa Divisoria, kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Atienza, sigurado umanong mayroong ulong gugulong sa mga opisyal ng Engineering Department at BPO na siyang nakatalaga sa area ng Padre Rada at Juan Luna Sts. kung saan nakatayo ang bumagsak na SAI building.
Kanya umanong ipapasiyasat kung nagkaroon ng pagkukulang at nagpabaya sa tungkulin ang mga engineers sa naturang lugar na naging sanhi ng pagbagsak ng gusali.
Magsasagawa rin umano ng historical data upang matukoy kung sinu-sino ang mga taong nasa likod ng gusali bago ito itayo hanggang sa pagbibigay ng permit upang siya namang ma-imbestigahan.
Bunsod sa naturang insidente kung kayat magsasagawa ng pag-iinspeksyon si Atienza at mga tauhan ng Engineering Department sa pangunguna ni Engr. Armand Andres sa mga katabi pang itinatayong mga gusali sa naturang lugar.
Nabatid na hanggang sa kasalukuyan ay nagpadala na ng mga heavy equipments ang lokal na pamahalaan upang matanggap ang mga tibag na bato mula sa gumuhong gusali at upang ma-inspeksyon pati ang harvard building na natabunan ng SAI building.
Magugunita na bigla na lamang gumuho ang nasabing gusali at masuwerte namang walang nasugatan dahil sa nailikas na ang mga taong nakatira sa walong palapag ng residential/commercial building ng tumagilid ito dakong alas-11 ng tanghali noong Biyernes at tuluyang gumuho ganap na alas-4:45 ng hapon.
Bunsoid nito, nagtatag na si Atienza ng investigating panel na mag-iimbestiga at tutukoy sa kung sinong dapat parusahan sa naganap na insidente. (Ulat ni Gemma Amargo)