2 Intsik,Koreano,Pinoy tiklo sa 2 kilo ng shabu
July 21, 2004 | 12:00am
Dalawang Chinese, isang Koreano at ang kontak nilang Pinoy ang nasakote ng mga tauhan ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AID-SOTF) sa dalawang magkahiwalay na operasyon na isinagawa sa Quezon City at Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.
Kasabay nito, nasamsam din sa mga suspect ang may dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 4 na milyong piso.
Unang nasakote sina Yan Quan Wang, alyas Johnny Ong, 30; Zhi Gen Wang, alyas Jorge Ong, 34; kapwa tubong Fujian, China at ang kontak nilang Pinoy na si Rox Ramos, 31, ng Gen. Segundo St. Heroes Hills, Quezon City sa isinagawang buy-bust operation sa panulukan ng Quezon Avenue at West Avenue sa Quezon City.
Nasamsam sa mga ito ang dalawang kilo ng shabu.
Nabatid na nakatanggap umano ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa magaganap na bentahan ng shabu kung kaya agad na pumosisyon ang mga pulis.
Napag-alaman na tinangka pa ni Yan Quan Wang na manuhol ng P300,000 kapalit ng kanilang paglaya.
Samantala, sa isa pang operasyon nadakip naman ng mga tauhan ng Mandaluyong police ang Koreano na si Saek Joo Kim, 31, ng Millenium Tower, Makati City.
Sa ulat, isang tip ang natanggap ng pulisya kaugnay ng nakatakdang transaksyon ng suspect at ng isang drug pusher na nakilala lamang sa pangalang Lando.
Agad na isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkaaresto kay Saek.
Nakuha dito ang apat na sachet ng shabu, samantalang nakatakas naman ang kontak nitong si Lando sakay ng isang motorsiklo.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga nadakip. (Ulat nina Edwin Balasa at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended