^

Metro

Hiling ng 3 terorista,bokya sa Supreme Court

-
Hindi pinayagan ng Korte Suprema ang apela ng tatlong umano’y miyembro ng Jemaah Islamiah (JI) na humiling na mapalaya sila mula sa bilangguan.

Batay sa ipinalabas na en banc resolution ng SC, wala umanong iregularidad o ilegal sa patuloy na pagkakakulong sa New Bilibid Prisons (NBP) ng mga pinaghihinalaang terorista na sina Agus Dwikarna, Abdul Balfas at Hamsid Lin Rung.

Ipinaliwanag ng Supreme Court na idinaan sa tamang proseso ang kaso ng mga nasabing pinaghihinalaang terorista, kung saan ang mga ito’y sinampahan ng kasong illegal possession of firearms and explosives materials.

Batay sa rekord ng korte, sina Dwikarna ay inaresto ng mga awtoridad noong Marso 2, 2002 sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos na mahulihan ang mga ito ng oval shaped na C-4 plastic explosives at limang piraso ng detonating cord.

Bunga nito ipinagharap ng nasabing kaso sa Pasay City Regional Trial Court ang mga umano’y terorista at napatunayan na ang mga ito’y guilty sa kaso.

Malinaw din aniya ang nakasaad sa batas na kung magkasabay ang iginawad na hatol sa isang akusado at ang kautusan na maipadeport ito ay kailangan muna nitong pagsilbihan ang iginawad na sentensiya.

Sina Dwikarna ay ipinagharap naman ng Bureau of Immigration ng paglabag sa Phil. Immigration Law at sinentensiyahan na maipatapon palabas ng bansa. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ABDUL BALFAS

AGUS DWIKARNA

BATAY

BUREAU OF IMMIGRATION

HAMSID LIN RUNG

IMMIGRATION LAW

JEMAAH ISLAMIAH

KORTE SUPREMA

NEW BILIBID PRISONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with