^

Metro

PAGCOR employee sugatan sa shootout sa QC

-
Isang empleyada ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang nasugatan nang tamaan ng ligaw na bala makaraang magkapalitan ng putok ng baril ang mga tauhan ng Traffic Management Group (TMG) at isang grupo ng mga armadong kalalakihan na hinihinalang mga holdaper/ karnaper.

Kasalukuyang ginagamot sa Quezon City General Hospital ang biktima na si Joy Raymundo, 33, matapos mahagip ng ligaw na bala sa hita.

Ayon sa pulisya, dakong alas-9:45 ng umaga ng mamataan ng mga tauhan ng TMG ang kulay maroon na sasakyan ng mga suspect na may plakang UAA-699 na nakaparada sa kahabaan ng Mindanao Avenue sa Quezon City.

Napag-alaman na lalapitan na ito ng mga tauhan ng TMG para sitahin sa kuwestiyonableng plaka ng sasakyan ng mga ito ng bigla na lamang silang paulanan ng putok ng baril ng mga lulan nitong suspect.

Dahil dito, nakipagpalitan na rin ng putok ang mga awtoridad kung kaya napilitang bumaba sa kanilang sasakyan ang mga suspect at nagkanya-kanya ng takas.

Tinamaan naman ng ligaw na bala si Raymundo na noon ay nasa lugar ng maganap ang putukan.

Tuluyang nakatakas ang mga suspect na pinaniniwalaang magsasagawa ng kanilang operasyon sa naturang lugar. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

DAHIL

DORIS FRANCHE

JOY RAYMUNDO

MINDANAO AVENUE

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with