^

Metro

Broker patay sa dating ka-live-in

-
Nasawi ang isang 51-anyos na broker matapos na saksakin ng kanyang dating ka-live in, makaraang pilitin ng una na makipagbalikan sa kanya, kamakalawa ng hapon sa Pandacan, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Phil. General Hospital ang biktimang nakilalang si Efresenio Magnayon, ng #3629 Kalinga St., Baesa, Sta. Mesa, Maynila.

Naaresto naman sa follow-up operation ang suspect na si Marieta Khani, 39, ng Zamora St., Pandacan.

Sa inisyal na ulat ng WPD-Homicide Division, naganap ang insidente dakong alas- 2 ng hapon sa bahay ng suspect na si Khani.

Ayon sa mga testigo nakita nilang dumating sa bahay ni Khani ang biktima na pinapasok naman ng suspect. Maya-maya ay nakarinig na sila ng malakas na sigawan sa pagitan ng dalawa. Kasunod nito ang paghingi na ng tulong ni Magnayon.

Mabilis na sumugod ang ilang kapitbahay at doon nakitang duguang bumulagta ang biktima, habang mabilis na nakatakas si Khani.

Ayon sa pulisya, nagpipilit umano ang biktima na makipagbalikan sa suspect, subalit tumanggi na ang babae at ito ang dahilan ng kanilang mainitang pagtatalo.

Posibleng napundi na umano ang babae kaya nagawang saksakin ang dating ka-live-in.

Itinuro naman ng anak ng suspect ang pinagtataguan ng kanyang ina kung kaya nadakip ito ilang oras matapos ang isinagawang krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

DANILO GARCIA

EFRESENIO MAGNAYON

GENERAL HOSPITAL

HOMICIDE DIVISION

KALINGA ST.

KHANI

MARIETA KHANI

MAYNILA

PANDACAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with