^

Metro

1 pang ASG leader nasakote sa Makati

-
Matapos ang ilang taong pagtatago sa batas, nabitag ng mga operatiba ng Anti-Terrorism Task Force (ATTF) ang isang lider ng ASG na pinsan ng nasawing si dating ASG Spokesman Aldam Tilao, alyas Abu Sabaya sa isinagawang operasyon sa Makati City.

Kinilala ni Defense Secretary at ATTF Spokesman Eduardo Ermita ang natimbog na suspect na nakilalang si Ibno Alih Ordoñez, alyas Ibno Abbas Abdil.

Si Ordoñez na may patong sa ulo na P1 milyon ay sangkot sa serye ng kidnapping at tatlong pagpatay sa lalawigan ng Basilan.

Kasabay nito, inihayag ni Ermita na isang sibilyang tipster ang muling magiging instant millionaire matapos nitong ituro ang pinagtataguan ni Ordoñez.

Natunton ang suspect sa bisinidad ng Bayani Road, Ft. Bonifacio, Makati City, kamakailan.

Dinakip ito sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Basilan City Regional Trial Court kaugnay ng pagdukot sa mahigit sa 50 guro at estudyante sa Tumahubong at Sumisip, Basilan noong Marso 2000.

Napag-alaman na si Ordoñez ay dumating sa Metro Manila noong 2001 at dito nakapagnegosyo pa ito ng school bus service na nagseserbisyo sa isang eksklusibong eskuwelahan sa lungsod.(Ulat ni Joy Cantos)

ABU SABAYA

ANTI-TERRORISM TASK FORCE

BASILAN

BASILAN CITY REGIONAL TRIAL COURT

BAYANI ROAD

DEFENSE SECRETARY

FT. BONIFACIO

IBNO ABBAS ABDIL

IBNO ALIH ORDO

JOY CANTOS

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with