Si Kenji Iwamoto, ang may bitbit ng mga giant beetle na itinago nito sa kanyang hand-carried bag.
Sinabi ni Iwamoto, na ang mga uwang ay ibinebenta sa Japan sa halagang 10,000 Japanese Yen o P5,000 dahil ginagamit ito ng mga manunugal sa kanilang lugar.
Idinagdag pa nito, na ang istilo ng laro sa uwang ay katulad ng style sa mga matatapang na gagambang pinaglalaban, partikular ng mga bata sa Pilipinas.
Binanggit pa nito na hindi biro ang pustahan sa sugal na uwang sa Japan kahit na nga ipinagbabawal ito ng kanilang pamahalaan.
Ang mga uwang ay kinumpiska ng mga tauhan ng PNP-Aviation Security Group. (Ulat ni Butch Quejada)