Ito ay matapos na pagkalooban ng reprive ng Pangulong Arroyo ang mga death convict na may mga kasong panggagahasa, pagpatay at pagkidnap.
Base sa ipinadalang memorandum ni Executive Secretary Alberto Romulo sa Department of Justice (DOJ) at sa Bureau of Corrections (BuCor) kabilang sa mga binigyan ng reprieve sina Ramil Rayos, sinentensiyahan ng death penalty ng Cagayan de Oro City RTC dahil sa kasong rape; Castro Graban, pinatawan ng bitay sa kasong panggagahasa ng Bulan Sorsogon RTC; Ireneo Padilla, rape; Renato Dizon, rape; Tomas Marcellana, tatlong bilang ng panggagahasa; William Alpe; Fernando Villanueva; Panfilo Quimson; Pablo Santos; Dindo Pajotal, robbery with homicide; Rodelio Aquino, rape at Ruben Suriaga, may kasong kidnapping.
Ipinagpaliban ang pagbitay kay Rayos na nakatakda sana ngayong Hulyo 1 at muling itinakda sa Setyembre 29; Graban sa Setyembre 29; Padilla sa Oktubre 4; Dizon sa Oktubre 5; Marcellana sa Oktubre 8; Alpe sa Oktubre 11; Villanueva sa Oktubre 11; Quimson sa Oktubre 13; Santos sa Oktubre 18; Pajotal sa Oktubre 18; Aquino sa Oktubre 26 at Suriaga sa Setyembre 30 ng taong kasalukuyan.
Magugunita na nitong buwan ng Hunyo ay 10 rapist din ang nakatakda sanang bitayin ngunit dahil sa patuloy na pagbibigay ng reprieve ni Pangulong Arroyo ay ipinagpaliban ito laban sa mga convicted criminals.
Nabatid na posible ring maudlot ang bitay na itinakda sa Agosto dahil sa malaking posibilidad na bigyan din sila ng reprieve ng Pangulo. (Ulat ni Gemma Amargo)