William Martinez nagpiyansa na

Sumurender kahapon sa Pasay City Regional Trial Court ang aktor na si William Martinez upang magpiyansa ng halagang P20,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya hinggil sa panibagong kasong kinakaharap nito sa paggamit ng droga.

Bukod sa kasong illegal possession of drug paraphernalia, kinasuhan din si Martinez sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot matapos itong maging positibo sa isinagawang drug test ng PNP.

Kung kaya’t binabaan ng warrant of arrest ni Pasay City RTC Judge Eleuterio Guerrero ng Branch 116 ang aktor.

Nabatid na hindi nahagilap ang aktor maging sa kanyang bahay sa Mahogany St., sa Antipolo City matapos ibaba ang warrant of arrest laban dito.

Ngunit kahapon lumutang si Martinez sa korte dala ang kanyang pang piyansa.

Matatandaan na si Martinez ay nadakip noong nakaraang buwan sa airport at nasamsaman ito ng tooter na positibo sa drug residue. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments