Nakilala lamang ang suspect sa kanyang alyas na Noli, 21, ng Zapote St., Brgy. Olympia ng nabanggit na lungsod at hanggang sa ngayon ay nakakalaya pa.
Itinago naman ang naging biktima sa pangalang Meynard, 2nd year high school student sa Makati High School.
Sa reklamo ng biktima sa Womens and Children Protection Desk sa Makati City Police, naganap ang insidente sa bahay ng suspect sa Zapote St. sa nabanggit na lungsod noong Hunyo 10, 2004 at ito ay naulit pa ng ilang beses.
Madalas umanong pinapupunta ng suspect ang biktima sa kanyang bahay at dito isinasagawa ang pang-aabuso sa binatilyo.
Nadiskubre lang ang pang-aabuso ng suspect nang mapansin ng mga kamag-anak ng biktima na ilang araw na itong namimilipit sa sakit sa tiyan kada papasok sa comfort room ng kanilang bahay. Nang patingnan ay nadiskubre na nagtataglay ito ng tulo kung kaya napilitan siyang ipagtapat sa mga kaanak ang tungkol sa pinaggagawa sa kanya ng suspect.
Dahil dito, nagharap ng reklamo sa pulisya ang biktima kasama ang kanyang mga kaanak. (Ulat ni Lordeth Bonilla)