At dahil dito, pinag-iingat ng mga kinauukulan lalo na ang mga kababaihan dahil ito umano ang ginagamit ng mga rapist upang walang maalala ang kanilang mga binibiktima.
Ang dalawang gamot para sa kabayo ay ang "Rohypnol" at "Progestrex" na ginagamit ng mga beterinaryo sa mga babaeng kabayo na pangarera upang hindi na magbuntis.
Batay pa sa ulat, napakadaling ihalo ng mga naturang gamot sa inumin dahil madali itong matunaw at kapag nainom na ay wala nang maaalalang ano pa man ang biktima.
Inihahalintulad ang isang gang rape case na nangyari nito lamang nakaraang Sabado ng gabi sa isang hindi binanggit na night club kung saan isang babae ang bitbit ng limang kalalakihan na isinakay sa isang sasakyan.
Kinabukasan nakita na lamang ang biktima na may palatandaan na pinagsamantalahan.
Lumalabas naman sa pagsusuri ng medico legal na positibo nga itong ginahasa at na-trace sa blood sample nito na pinainom ito ng nasabing gamot.
Hindi na rin maalala ng biktima ang nangyari sa kanya ng nakaraang gabi.
Sinasabi pang ang babaeng makakainom nito ay habambuhay nang magiging baog. (Ulat ni Edwin Balasa)