Kasabay nito, dinakip din ng mga awtoridad si Catherine Marpili, may-ari ng Top 7 Printing Services sa kahabaan ng Claro M. Recto Avenue sa Sampaloc, Maynila.
Nakumpiska ng mga pulis sa naturang establisimento ang walong piraso ng pekeng US$100 bill, 23 pirasong pekeng tseke ng SSS para sa mga pensyon, 30 pirasong pekeng GSIS check para sa loan, 31 pirasong pekeng tseke ng payroll ng Department of Education, 19 pekeng tseke ng Phil. Veterans Association, 4 na pekeng artist record book, tatlong computer, printer at scanners.
Nabatid na mahigit sa isang buwang surveillance ang isinagawa ng mga awtoridad sa naturang establisimento bago tuluyang isinagawa ang pagsalakay.
Nabatid na ginagawang front lang ng sindikato ang pagbebenta ng mga second hand na libro sa kanilang mga ilegal na gawain. (Ulat ni Danilo Garcia)