Pumaslang sa trader at sa maid nito,arestado
May 26, 2004 | 12:00am
Nadakip na kahapon ng pulisya ang pangunahing suspect na sangkot sa pagpaslang sa dati niyang amo at sa katulong nito na naganap kamakalawa ng madaling-araw sa Quezon City.
Nahaharap sa kasong robbery with double homicide ang suspect na nakilalang si Jaime Elpidang, 26, ng La Loma St., Barangay Caniogan, Malolos Bulacan. Itoy matapos siyang ituro ng isang bata na siyang pumaslang sa mga biktimang sina Samuel Allan Sy, 26 at sa katulong na si Vilma Seruela noong Lunes ng madaling-araw sa No. 1 Apahap St. Cadaing Village, Brgy. Talipapa, Quezon City.
Lumilitaw na nakagalitan ng biktimang si Samuel si Elpidang dahil sa pagpapabaya nito sa pag-aalaga sa pitong Labrador ng una hanggang sa magkamatay ito.
Dinamdam umano ito ng suspect kung kaya nagbitiw ito ng salitang "pag pinagalitan pa ako nito, lagot sa akin ito".
Napag-alaman na dakong ala-1:30 ng madaling-araw ng kumatok ang suspect kasama ang isa pang hindi nakikilalang lalaki.
Binuksan ng katulong na si Seruela ang pinto at pagpasok ng mga suspect ay agad itong sinakal ng telephone cord.
Mabilis na pumasok ang mga suspect sa silid ni Samuel at doon ay inundayan na agad ito ng sunud-sunod na saksak sa katawan. Matapos ang krimen kinuha rin ng mga suspect ang P560,000 cash at mga alahas ng biktima.
Ayon sa pulisya, isang bata na anak din ng isa pang katulong ng pamilya Sy ang nakakita umano kay Elpidang nang magtanggal ito ng maskara matapos patayin si Sy.
Mariin namang itinanggi ng suspect ang akusasyon laban sa kanya. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended