Eusebio prinoklamang mayor sa Pasig

Iprinoklama na kahapon ng Comelec si Vicente Eusebio bilang alkalde sa lungsod ng Pasig.

Dakong alas-8 ng umaga nang iproklama ni Pasig City Election Officer Atty. Romeo Alcaraz si Eusebio sa session hall ng Sangguniang Panlungsod.

Ayon sa limang pahinang desisyon ng Comelec En banc na may petsang Mayo 21 at pirmado ni Chairman Benjamin Abalos Sr. at mga commissioners sa komisyon, ipinag-uutos dito ang ‘Lift and Set Aside Order’ na suspensyon laban kay Eusebio.

Kaugnay nito, ipinag-utos ng En Banc Commission sa Board of Canvassers na kumpletuhin na ang pagka-canvass sa mga boto hanggang sa proklamasyon nito.

Napag-alaman na umabot na sa 10,752 ang agwat ni Eusebio laban sa pinakamalapit nitong kalaban sa pagka-alkalde na si dating congressman Lanot.

Si Eusebio ay nakatanggap ng 119,693 boto, habang 108,941 na boto naman ang natanggap ni Lanot. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments