Ito umano ay para maiwasan ang napapaulat na pang-aabuso ng mga nabanggit sa naturang pases na ipinagkakaloob sa kanila.
Sa halip, magiging case-to-case-basis na lamang ang pag-iisyu ng access pass.
Nabatid na ang access pass sa mga mambabatas ay naaabuso ng mga tauhan ng mga mambabatas at ginagamit lamang umano sa personal na transakyon sa halip na gamitin ito sa official functions.
"Maraming nasisita ang security personnel namin na kung sinu-sino lamang ang gumagamit ng access pass nila tulad ng pagsusundo at paghahatid ng mga pasaherong walang kinalaman at hindi konektado sa tanggapan ng gobyerno na inisyuhan namin", pahayag ni Ed Manda, Gen. Manager sa MIAA.
Magugunita na hindi mabilang na security access pass ang ipinalabas ng MIAA sa halos lahat ng tanggapan ng pamahalaan, kabilang na ang Mataas at Mababang Kapulungan, gayun din ang mga diplomatic corps.(Ulat ni Butch M. Quejada)