Ayon sa First Division ng COMELEC, may karapatan pa si Eusebio na umapela at ang COMELEC decision sa disqualification ay hindi pa pinal.
Patuloy pang dinidinig ng COMELEC ang apelang iniharap ng mga abogado ni Eusebio na humihingi ng Temporary Restraining Order sa disqualification.
Samantala, sinabi naman ni incumbent Pasig City Mayor Soledad Eusebio na wala umanong basehan ang mga usap-usapan na ipinakakalat ng kanyang mga kalaban at iba pang black propaganda.
Aniya ang pagpapakalat ng mga maruruming usap-usapan laban sa kanya ay naglalayong lituhin ang kanyang tagasuporta at upang lumipat ng ibang kandidato.
Ang disqualification case ay isinampa ni mayoralty candidate Henry Lanot. (ULat ni Edwin Balasa)