Namatay habang ginagamot sa Manila Central University Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa batok ang biktimang si Marites Fernando-Rosacena, 36, ng 32 PNR Compound ng nasabing lungsod.
Pinaghahanap naman ang kapatid nito na si Francisco Fernando, 41, driver.
Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa loob ng bahay ng nasawi.
Nauna rito, nag-away umano ang suspect at ang bayaw nito na asawa ng nasawing ginang na si Virgilio sa isang inuman.
Nabatid na umawat ang ginang sa pag-aaway ng dalawa, tiyempo naman na bumunot ng baril ang suspect at walang sabi-sabing ipinutok.
Inakala nito na ang kanyang bayaw ang kanyang tinamaan, subalit huli na nang makita niyang duguang bumulagta ang kanyang kapatid. Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang insidente.
Matagal na umanong may iringan ang magbayaw. (Ulat ni Rose Tamayo)