Ayon kay NBP Supt. Venancio Tesoro ang 24 na inmates ay nakatapos ng kanilang kursong Liberal Arts, Commerce at English.
Nabatid na sa kabila ng kanilang pagkakapiit sa maximum security ng NBP gayundin sa kabila ng parusang habambuhay na pagkabilanggo na kanilang binubuno ay nagawa ng mga bilanggo na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa ilalim ng scholarship program ng College Assurance Plan o CAP.
Maganda rin ang naging epekto ng naturang scholarship program na dahil dito ay nagkaroon ng pagkakaabalahan ang mga preso imbes na masangkot sa mga kaguluhan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)