^

Metro

Estudyante dedo sa fraternity group

-
Isang 19-anyos na estudyante ang napatay matapos na makasagupa ng biktima ang isang grupo ng fraternity sa party kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Namatay noon din ang biktimang si Wilmer Villegas ng Blk. 12 Lot 9 Sitio Bagong Buhay, San Jose Antipolo City makaraang magtamo ng saksak sa katawan at pagkabasag ng bungo.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Joseph Madrid ng CPD-CIU, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang pamamaslang sa Pitong-Bahay St. Evelyn Compound, Fairview, Q.C.

Lumilitaw na naglalakad ang biktima kasama ang kanyang mga barkada na galing sa isang party ng makasalubong ang isang grupo ng kalalakihan na pawang mga armado ng patalim.

Biglang nagkaroon ng riot sa pagitan ng grupo ng biktima at grupo ng mga suspect hanggang sa makitang bumulagta si Villegas.

May hinala ang pulisya na nakaalitan na ng grupo ng biktima ang grupo ng mga suspect sa party hanggang sa abangan ito ng huli upang makaganti. (Ulat ni Doris Franche)

BIGLANG

DORIS FRANCHE

FAIRVIEW

GRUPO

JOSEPH MADRID

PITONG-BAHAY ST. EVELYN COMPOUND

QUEZON CITY

SAN JOSE ANTIPOLO CITY

SITIO BAGONG BUHAY

WILMER VILLEGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with