Ayon kay DENR Secretary Elisea Gozun, mananatili sa 95 percent ang supply ng tubig sa Metro Manila mula sa Angat Dam kung saan ang higit na maapektuhan ng pagbaba ng water level dito ay ang mga irigasyon sa Bulacan.
Dahil dito, posibleng maiurong sa Hulyo sa halip na Hunyo ang cropping season o panahon ng pagtatanim na siyang nakikitang worst scenario na na-oobserbahan ni National Water Resource Board director Ramon Alikpala.
Ngunit kinumpirma ni Gozun sa mga magsasaka sa Bulacan, base na rin sa kautusan ni Pangulong Arroyo na magtatayo ng shallow tube wells na pansamantala munang gagamitin sa mga irigasyon sa lalawigan hanggang sa pagpasok ng tag-ulan. (Ulat ni Doris Franche)