Kaugnay nito, isang Kuwaiti national na pinaghihinalaang miyembro ng Jemaah Islamiyah (JI) ang itinapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nabatid na ilang minuto lamang nang dumating sa bansa ang suspect na si Jasem A. J. Alhasan, 40, sa NAIA nang mamataan ito ng mga alertong kagawad ng BI Intelligence Unit habang nakapila ito sa immigration lane.
Base sa intelligence report na natanggap ng BI, si Alhasan ay isa sa mga dayuhang masusing minamanmanan ng militar dahil sa madalas nitong pagtungo sa ilang lugar sa Mindanano partikular na sa Davao City at Zamboanga City upang umanoy sanayin ang mga terorista na nakabase doon.
Madalas rin umanong bumisita ang suspect sa ilang mga kampo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mindanao at maging sa Abu Sayyaf sa Basilan simula pa noong 1998.
Nabatid na ang suspect ay pinaghihinalaan rin na may kinalaman sa pagpapasabog sa isang Mosque sa Pagadian City noong May 2003.
Base sa travel record ng suspect, gumagamit ito ng dalawang pasaporte na magkaiba ang pangalan. (Ulat ni Butch Quejada)