Ang nasawi ay nakilalang si Jerry Callos, binata ng #571 Ignacia Compound, Sta. Quiteria ng nasabing lungsod na nagtamo ng maraming saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Ang suspect na pinaghahanap ng pulisya ay nakilalang alyas Berting Gorobat, tiyuhin ng isang Leo Leyte na nakasagutan ng biktima nang mapadaan sa nasabing compound bandang alas- 8 ng gabi.
Nabatid na nasa kalagitnaan nang pakikipag-inuman ang biktima sa isang Arnot nang dumaan si Leyte at sinabihan umano ang una na magpenitensiya bago gumanti ng kantiyaw.
Sinabi ng biktima kay Leyte na dapat itong magpenitensiya dahil kamukha nito at kasing-ugali ni Hudas na labis na ikinagalit nito.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa humingi ng tulong sa suspect na walang awang sumaksak nang paulit-ulit sa biktima hanggang sa ito ay malagutan ng hininga. (Ulat ni Jo Cagande)