Ex-pulis utak sa armored van holdap
April 8, 2004 | 12:00am
Kilala na ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) ang humoldap sa isang armored van ng Banco de Oro sa Annex Building ng SM North na ikinasawi ng isang escort security ng bangko noong Lunes ng hapon.
Sa pamamagitan ng carthographic sketch ng pulisya, pinangunahan ng isang SPO3 na dating pulis-QC ang walong armadong kalalakihan na humoldap sa nasabing armored van at nakabarilan ng security escort na si Eladio Jacobe ng Twin Star Security Agency.
Kamakalawa ay inihayag ni Supt. Jose Mario Espino, hepe ng CPD-Baler Station na Ilonggo Group ang siyang sumalakay sa armored van ng bangko at isang dating pulis nga ang siyang lider ng grupo.
Ang panghoholdap ay nakuhanan ng video ng MMDA at ito ay kasalukuyan pang pinag-aaralan para makilala pa nang malapitan ang iba pang mga suspect. Tumanggi din ang bangko na ideklara ang halaga na nakuha ng mga holdaper bagamat kinumpirma nila na isang bag ang natanggay ng mga ito.
Magugunitang ang madugong holdap ay naganap dakong alas-3:50 ng hapon nang harangin ng mga suspect ang van. Nagkaroon ng pagpapalitan ng putok sa pagitan ng mga security escorts at mga suspect at dito nga nasawi ang sekyu na si Jacobe. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended