Pinangunahan ng mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) kasama ang mga magulang at kanilang mga mag-aaral mula sa pampublikong paaralan sa Maynila, Pasig at Quezon City ang pag-apela ng kaso kay Education Secretary Edilberto de Jesus.
Idinahilan ni ACT Secretary General Fidel Fababier kung kaya hindi dapat ipatupad ang panukala ay dahil na rin sa ang mga gurong sasailalim sa training para magturo ng Science, Math at English para sa tinaguriang bridge program ay magmistulang half-baked.
Idinagdag pa nito na ang limang araw na training para sa tatlong pangunahing subject sa Mayo ay hindi umano sapat para sa mga estudyanteng kukuha ng bridge program.
Bukod dito, binanggit pa ni Fababier na wala umanong naging konsultasyon o pag-uusap hinggil sa naturang bridge program, para nakahanda sana ang mga magulang at mga estudyante. (Ulat ni Edwin Balasa)