Mag-asawang drug trafficker, timbog
March 12, 2004 | 12:00am
Bagsak kalaboso ang isang mag-asawang pinaghihinalaang notoryus na drug trafficker matapos mahuli ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang entrapment operations sa isang fastfood chain sa lungsod ng Maynila.
Kinilala ni PDEA Executive Director General Undersecretary Anselmo Avenido ang mga nasakoteng suspect na sina Norberto Manuzo, 41, pedicab driver at misis nitong si Maricar, 32, pawang ng #1179 Cadena de Amor, Singalong, Manila.
Ayon kay Avenido, ang mga suspect ay nabitag sa loob ng isang restaurant na matatagpuan sa panulukan ng Taft Avenue at Estrada St., Manila, pasado alas-2 ng hapon.
Nabatid na agad pumoste ang anti-drug agent ng PDEA matapos na makumpirmang positibo ang natanggap nilang impormasyon sa aktibong nagtutulak ng illegal na droga ang mag-asawa.
Bago ang operasyon ay nagsagawa ng masusing surveillance operations ang mga awtoridad hinggil sa illegal na aktibidad ng mag-asawa.
Hindi na nakapalag ang mga suspect matapos mahuli sa akto habang iniaabot ang 5 plastic sachet na naglalaman ng 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P55,000 sa poseur-buyer ng PDEA. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended