Nabatid mula sa 19-pahinang complaint affidavit sa DOJ ni Castillo, inihain nito ang kasong estafa laban sa aktor at sa kapatid nitong si Ramon Salvador.
Ayon kay Castillo, niloko umano siya ng magkapatid na Salvador makaraang hingin sa kanya ang naturang salapi upang sumosyo sa kanilang negosyo. Humiram din umano ng salapi si Phillip para sa kanyang kampanya bilang Vice Mayor ng Mandaluyong City subalit siya ay natalo.
Iginiit nito na nakapirma ang aktor sa isang acknowledgment receipt kung saan ay tinanggap nito ang naturang halaga.
Ang condominium umano sa Pinnacle Wack-Wack sa Mandaluyong City ang isasangla ni Phillip bilang garantiya subalit hindi pala maaaring gamitin ito dahil nakapangalan kay Kris Aquino.
Dahil sa paniniwala at relasyon nilang dalawa bilang magkasintahan ay agad siyang nagtiwala at ibinigay ang naturang halaga para sumosyo sa kanyang negosyo.
Inamin ni Castillo na wala siyang public document o instrument na magpapatunay na kinuha ni Phillip ang naturang halaga maliban sa naturang resibo na mismong nilagdaan ng aktor.
Ipinaliwanag pa nito na mismong ang National Bureau of Investigation (NBI) ang nagpatunay na ang naturang lagda ay mula mismo kay Phillip kayat may batayan ang kanyang demanda.
Iginiit ni Castillo na nakaranas siya ng malaking pinsala at perwisyo dulot ng ginawa ni Phillip at kapatid nitong si Ramon na tumayo namang guarantor.
Hinihingian din ni Castillo ng public apology si Phillip dahil sa umanoy pagkalat ng mga balitang naghihinagpis at naghihiganti lamang siya laban dito dahil sa hindi siya pinakasalan nito. (Ulat ni Grace dela Cruz)